Tuesday, September 20, 2016

Wika at Kulturang Filipino: Nilamon na rin ba ng Sistema?

“MhAkAvhag0n6 FihLHipinhoew”
(Makabagong Filipino)

“Ehyy0w p0wz, ckaM#uztAh?”
“Haie! 0hkiey lhungsjajaja.”
Ganyan ka ba kung magbaybay o makipag-usap gamit ang media? O kaya nama’y ganito ang iyong pananalita:
“Hi friend! Do you wanna chill sandali? ‘Coz omg it’s so mainit talaga!”
“You’re so brainy bes! Mainit nga pero gosh I’m tamad today!”

Kung ganoon ka man makipagtalastasan, pwes kabilang ka sa mga taong malalim na naapektuhan ng media. Maaari ay ginaganahan kang ipagpatuloy ito sapagkat nakakaramdam ka na parte ka ng makabagong mundo, o di kaya’y maaari ring huminto ka na sa ganitong Gawain dulot ng mga samu’t saring batikos na natanggap mo sa internet. Ngunit huwag kang mag-alala, normal lamang na naaapektuhan tayo ng media. Patinga sa ating pananamit, pagkilos at maging pag-iisip ay na-iimpluwensiyahan na tayo lingid man sa ating kaalaman.


Ang pag-usbong ng mga teknolohiya ay nagdulot ng pagbabago sa ating panahon. Kasabay nito ang pagbabago ng ating pananalita, pagbaybay, at maging pagbigkas. Lubhang naaapektuhan nito ang ating buhay sa paraang binabago nito ang ating mga nakaugalian. Dahil sa lakas ng epekto ng media – lalong lalo na ang pangmaramihan o mass media, tinatangkilik natin ang mga “uso” o kaya’y napapanahon na mga bagay. Katulad na lamang ng paggamit ng gay lingo na mabilisang lumawak sa ating bansa. Noong una, ginamit ito sa kadahilanang palaging minamaliit ang mga bakla. Ngayon, ginagamit na ito upang pag-usapan ang isang bagay o tao sa paraang walang makakaintindi subalit ang mga umimbento na lamang nito.

Ang wika ang siyang nagbibigay identidad sa atin at sumisimbolo sa ating kultura at kinagisnan. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakakarami, ang pamamaraan natin sa pag sabi o pag bigay ng impormasyon sa iba ay maaari ring makasira ng ating mga imahe sa mga taong nakakasalamuha o nakakasama natin sa ating pang araw araw na buhay. Alam naman natin na marami ang may malaking Istandard sa ating lipunan at marami rin ang malakas manghusga kaya dapat ay mag-ingat tayo sa ating mga pinipiling mga salita. Kahit ikaw ay may itsura kung ang pamamaraan mo ng pagsasalita ay di nila gusto ay wala ring mangyayari.

Uso na sa ating ngayon ang mga sosyolek na mga salita o mas kilala bilang mga “Jejemon”. Ayon sa isang pag-aaral nagkakaroon ng mga jejemon dahil sa mas gusto nilang mapaikli ang mga salitang kanilang mga isinusulat para mas mapadali ang pag bigay ng mga impormasyon. HUw@gh ph0 k0Ya! Cno 2? Iilan lamang yan sa mga salitang sosyolek na kalimitang ginagamit ng mga kabataan ngayon.

Talaga naman na malaki ang ambag ng mass media sa ating buhay dahil dito ay nakakapagkonekta tayo sa ating mga kaibigan, kapamilya at mga kaanak, ngunit kung hindi natin ito gagamitin sa kabutihan ay maaaring magkaroon ng kawalan ng saysay ang pag imbento nito.


Kung tatanungin ako kung kamusta na ang kalagayan ng ating wika? Masasabi kong naghihingalo na ito dahil nagagambang matabunan o makalimutan na ang tunay na dahilan kung bakit may wika. Mahalin at pahalagahan ang wika. Huwag sana tayong lubusang maimpluwensyahan ng kung ano ang nasa media dahil hindi naman lahat n gating nakikita sa internet, telebisyon at iba pang uri ng media ay totoo at talagang nakakatulong sa pag usbong ng ating bansa.


No comments:

Post a Comment